TE_ASPIRATEUR_COMPACTEO_ERGO_CYCLONIC_903086-01_903086 03/05/12 16:36 Page42

Mga karaniwang aksesorya:

19.Flexible na hose na may hawakan at mekanikal na power regulator

20.Telescopic na tubo*

21.Mga Tubo*

22.Kasangkapan para sa lahat ng sahig

23.Kasangkapan para sa matigas na sahig*

24.Slot tool na attachment na nagiging brush*

25.Pang-muwebles na kasangkapan*

26.Turbobrush*

27.Maliit na turbobrush*

3. BAGO UNANG GAMITIN

Pagtanggal sa pakete

Alisin sa pakete ang iyong appliance, itago ang iyong warranty card at maingangat na basahin ang mga tagubilin sa paggamit bago gamitin ang iyong appliance sa unang pagkakataon.

Mga tip at pag-iingat

Bago ang bawat paggamit, dapat ganap na mailabas ang kurdon. Siguruhin na hindi ito maipit o sumabit sa matatalas na bagay.

Kung gumagamit kg ng extension cord, siguruhin na nasa perpektong kundisyon ito at angkop ito sa lakas ng iyong vacuum cleaner.

Ang iyong vacuum cleaner ay may aparato upang protektahan ang motor sa sobrang init. Sa ilang mga kaso (pag- gamit ng power nozzle sa mga silya, atbp.), ang aparato ay masisimulan at maaaring may kakaibang ingay. Walang problema ito.

Huwag galawan ang vacuum cleaner sa paghila sa kurdon, ang appliance ay dapat ilipat gamit ang pangbuhat na hawakan.

Huwag gamitin ang kurdon upang itaas ang appliance.

Huwag kailanman alisin ang saksakan ng appliance sa paghatak sa kable.

Huwag kailanman paganahin ang vacuum cleaner nang wala ang sisidlan ng alikabok (13) at walang kapsula ng HEPA filter (14): itim na foam filter (14a) at HEPA filter (14b).

Gumamit lang ng mga orihinal na Tefal filter. Gumamit lang ng mga orihinal na Tefal aksesorya.

Sakaling nahirapan kang kumuha ng mga aksesorya at filter para sa vacuum cleaner na ito, makipag-ugnayan sa serbisyong pangkostumer ng Tefal.

Ihinto at idiskonekta ang iyong vacuum cleaner matapos ang bawat paggamit.

Laging ihinto at alisin sa saksakan ang iyong vacuum cleaner bago mentinahin o linisin.

Ang appliance na ito ay hindi nilalayong gamitin ng mga tao (kasama ang mga bata) na may kapansanang pisikal, sensory o pangkaisipan o ng mga taong walang karanasan o kaalaman sa mga naturing na aparato, maliban kung pinamamahalaan sila ng tao na responsible sa kanilang kaligtasan o nakatanggap ng mga tagubilin kung paano gamitin ang aparato. Kailangan pamahalaan ang mga bata upang masiguro na hindi nila paglalaruan ang ap- pliance.

4. PAGGAMIT

Pag-assemble ng mga bahagi ng appliance

Maayos na itulak ang flexible hose (19) sa bukasan ng suction (9) at pihitin hanggang mag-lock - pig.1. Upang alisin, pihitin sa kabilang direksyon at hatakin - pig.2.

Kung telescopic na tubo ang vacuum cleaner mo * (20): itulak ang pang-ayos na pihitan pasulong, hatakin ang nais na haba palabas at pakawalan ang pindutan upang i-lock – pig. 3a. Kung hindi, pagsamahin ang dalawang mga tubo* (21), bahagya itong pihitin – pig. 3b.

Ipasok ang nais na aksesorya sa dulo ng tubo:

-Para sa mga rug at carpet: Gamitin ang attachment para sa lahat ng sahig (22) sa nakapasok na posisyon ng brush

pig. 4.

*Ayon sa modelo: ang mga sistema ay partikular sa ilang mga modelo o mga aksesoryang makukuha bilang

42 opsyon.

Page 40
Image 40
Tefal TW539688 Pagtanggal sa pakete, Mga tip at pag-iingat, Pag-assemble ng mga bahagi ng appliance, Bago Unang Gamitin