TE_ASPIRATEUR_COMPACTEO_ERGO_903081-01_903081 03/05/12 16:09 Page41

1. MGA REKOMENDASYON SA KALIGTASAN

Para sa kaligtasan mo, ang appliance na ito ay tumutupad sa lahat ng maipapatupad na mga pamantayan at regu- lasyon (Mga Direktiba sa Mababang Boltahe, Electromagnetic na Pagtugma, Kapaligiran, atbp.).

Mga kundisyon sa paggamit

Ang iyong vacuum cleaner ay isang aparatong de-koryente: ito ay dapat gamitin sa ilalim ng mga normal na kun- disyon ng paggamit.

Gamitin at iimbak ang appliance sa hindi maaabot ng mga bata. Huwag kailanman iwan ang appliance na guma- gana nang walang superbisyon.

Huwag ilapit ang kasangkapang kinakabit o a tubo malapit sa iyong mga mata o tenga.

Huwag gamitin ang iyong vacuum cleaner sa mga basang ibabaw, tubig o anumang uri ng likido, maiinit na sangkap, napakapinong mga sangkap (plaster, semento, abo…), malalaking matatalas na bagay (basag na salamin), mga produkto na mapanganib (mga thinner, pangtanggal ng pintura…), nakaka-agnas (mga asido, mga panlinis na likido…), sumisiklab at sumasabog (petroleum o batay sa alkohol).

Huwag kailanman ilublob ang appliance sa tubig, huwag mag-spray ng tubig sa appliance at huwag iimbak ito sa labas. Huwag gamitin ang appliance kung nahulog ito at may nakikitang sira o tilang abnormal na gumagana. Sa ganitong kaso, huwag buksan ang appliance, ngunit ipadala ito sa pinakamalapit na Aprubadong Sentro ng Serbisyo o ma- kipag-ugnayan sa Serbisyong Pangkostumer ng Tefal (tingnan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa huling pahina).

Supply ng koryente

Suriin na ang boltahe ng koryente para sa iyong vacuum cleaner ay tumutugon sa instalasyon ng iyong panguna- hing pinagmumulan. Mahahanap mo ang impormasyon na ito sa ilalim ng appliance.

I-off at idiskonekta ang appliance sa pagtanggal ng plug mula sa saksakan sa dingding:

TL

-agad makalipas gamitin,

-tuwing papalitan mo ang accessory,

-bago ang operasyon sa paglinis, pagmentina at pagpalit ng filter. Huwag gamitin ang appliance:

-kung sira ang kurdon ng koryente. Upang iwasan ang peligro, ang buong reel at kurdon ng koryente ng iyong vacuum cleaner ay dapat palitan ng isang Aprubadong Sentro ng Serbisyo ng Tefal.

Mga Pagkumpuni

Ang mga pagkumpuni ay isasagawa lang ng mga espesyalista gamit ang mga orihinal na piyesa. Ang sariling pagkukumpuni ng appliance ay maaaring magdulot ng peligro sa gagamit.

2.PAGSASALARAWAN

1.a - Pahalang na parking b - Patayong parking

2.On/Off na Pedal

3.Pang-regula ng Koryente*

4.Pedal na pampihit ng kurdon

5.Ilaw ng punong bag

6.Grid na labasan ng hangin

7.a - Patayong hawakan sa pagbuhat

b - Nagagalaw na pahalang na hawakan sa pagbu- hat

8.Sisidlan ng bag

9.Takip

10.Suction opening

11.a - Bukasan ng suction b - Pantukoy ng bag

12.Grid na proteksiyon ng motor

13.Microfilter* (rep. RS-RT9659)

14.a - HEPA filter cassette* (rep. RS-RT900036), angkop sa mga papel na bag

b - HEPA filter cassette* (rep. RS-RT900034), angkop sa mga telang bag*

Ang iyong vacuum cleaner ay ay microfilter* o HEPA filter cassette*.

15.Suporta ng bag para sa Wonderbag Compact* (17c), papel na bag* (17a) o telang bag* (17b)

16.Mga runner na suporta ng bag

* Ayon sa modelo: ang mga sistema ay partikular sa ilang mga modelo o mga aksesoryang makukuha bilang

41

opsyon.

Page 39
Image 39
Tefal TW529588 manual Mga kundisyon sa paggamit, Supply ng koryente, Mga Pagkumpuni, MGA Rekomendasyon SA Kaligtasan