TE_ASPIRATEUR_COMPACTEO_ERGO_903081-01_903081 03/05/12 16:09 Page45

6. PAG-TROUBLESHOOT

Mahalaga: Kapag humintong gumana nang maayos ang iyong vacuum cleaner, at bago suriin ito, ihinto ito sa pagpindot On/Off na pedal.

Kapag di nagsimula ang iyong vacuum cleaner

Walang koryente ang appliance: siguruhin na maayos itong nakakonekta.

Kung hindi mag-suck ang vacuum cleaner mo

Barado ang aksosorya o hose: alisin ang bara ng aksesorya o hose.

Hindi nakasara nang husto ang takip: suriin ang posisyon ng bag at suporta ng bag (15) at sarhan ang takip.

Kapag hindi maayos na gumagana ang suction ng iyong vacuum cleaner o may pumipitong tunog

May bahagyang bara ang accessory hose: alisin ang bara sa accessory o hose .

Puno ang bag o puno ng pinong alikabok: palitan ang papel na bag* (17a) o ang Wonderbag Compact* (17c), o alisan ng laman ang telang bag* (17b).

Kung manatiling pula ang pang-indika ng punong bag matapos palitan ang bag

Puno ang filtration system:

-HEPA cassette*: Palitan ang HEPA cassette * (14a) (rep. RS-RT900036) at ibalik sa housing nito o hugasan ang

HEPA filter cassette* (14b) (rep. RS-RT900034) ayon sa pamamaraan.

TL

- Microfilter*: Alisin ang microfilter* at palitan ng bago (rep. RS-RT900040).

 

Ang regulator ng koryente* ay nasa pinakamababang posisyon: dagdagan ang lakas gamit ang regulator ng ko- ryente* (maliban kung naglilinis ka ng maseselang tela).

Ang mekanikal na regulator ng koryente sa grip ay bukas: sarhan ang mekanikal na regulator ng koryente .

Kung nanatiling pula ang ilaw ng puno ang bag

Puno ang bag. palitan ang papel na bag* (17a) o ang Wonderbag Compact* (17c), o alisan ng laman ang telang bag* (17b).

Kung hindi sumara ang takip (gumagana ang pantukoy ng bag 11b)

Suriin na ang bag at suporta ng bag (15) ay naroon at maayos na nakaposisyon.

Kung mahirap galawin ang attachment ng kasangkapan

Buksan ang regulator slot sa grip o bawasan ang lakas.

Suriin na ang posisyon ng (22) ay angkop sa ibabaw na ginagamitan: para sa mga rug at carpet gamitin ang nozzle na nakapasok ang brush - pig.4, para sa kahoy at matitigas na sahig, gamitin ang nozzle na nakalabas ang brush - pig.5.

Kung hindi ganap na pumapasok ang kurdon ng koryente

Bumagal ang kurdon habang pinipihit ito; ilabas uli ang kurdon at pindutin muli ang winder pedal ng kurdon.

Kung huminto ang vacuum cleaner habang ginagamit

Nasimulan ang aparatong pamproteksiyon sa pag-overheat. Suriin na ang tubo o pipe ay walang bara o ang bag o filter ay hindi puno. Iwan upang lumamig nang 30 minuto bago gamitin muli ang vacuum cleaner.

Kung patuloy ang problema, dalhin ang iyong vacuum cleaner sa pinakamalapit na Aprubadong Sentro ng Serbisyo ng Tefal o makipag-ugnayan Serbisyong Pangkstumer ng Tefal (tingnan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa huling pahina).

* Ayon sa modelo: ang mga sistema ay partikular sa ilang mga modelo o mga aksesoryang makukuha bilang

45

opsyon.